Nasa 70 Filipino seafarers ang kasalukuyang stranded sa karagatang sakop ng China.
Ayon kay Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana, bukod sa problemang pinansiyal na kinakaharap ng mga employer ng mga Pinoy ay nakadagdag din sa problema nila ang mahigpit na polisiya ng mga Tsino kaya hindi makababa ang mga ito.
Sa ginanap na Laging Handa briefing, binanggit din ni Sta. Romana na inaayos na nila ang mga pagpapauwi ng mga kababayan natin doon.
Inaasahang mare-repatriate na ang mga Pinoy seafarers mula China sa susunod na buwan.