Nakadepende sa direksyon ng administrasyong Duterte kung magtatalaga ito o hindi ng isang vaccine czar na siyang tututok sa development at pamamahagi ng mga bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Leopoldo Vega kasunod ng mungkahi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa gubyerno na magtalaga na ng vaccine czar.
Ayon kay Vega, bagama’t suportado nila ang mungkahi ng senador, may mga ginagawang hakbang naman na ang Department of Science And Technology (DOST) gayundin ang Food and Drug Administration (FDA) hinggil dito.
Una nang inihayag ng malakaniyang na posible umanong magkaroon ng problema sa logistics o pamamahagi ng mga bakuna sa sandaling maging available na ito sa bansa dahil mangangailangan sila ng cold chain na may sub-zero temperature para maging imbakan nito.