Inanod sa dagat ang nasa 10% ng dolomite sand sa Manila Bay.
Batay ito sa pagtaya ng Department Of Environment And Natural Resources(DENR) bunsod na rin ng malalakas na ulan sa nakalipas ng mga araw.
Maliban pa rito sinabi ni Environment Undersecretary Jonas Leones na dinala rin ng alon ang mga itim na buhangin sa pampang na siyang pumapatong sa puting buhangin.
Ayon kay Leones, ito ang dahilan ng discoloration dolomite white sand sa Manila Bay.
Sinabi ni Leones, bilang solusyon plano ng DENR na maglagay na rin ng dolomite sand sa dagat upang ang artificial na buhangin na rin anurin sa pampang sa halip na ang regular na itim na buhangin.