Itinakda mamayang alas-8 ng umaga ang pag-ere ng lingguhang ulat sa bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung saan inaasahang iaanunsyo ng Pangulo ang ipatutupad na community quarantine classification sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa para sa Nobyembre.
Kagabi, muling nakipagpulong si Pangulong Duterte sa mga miyembro ng kanyang gabinete para talakayin ang pinakahuling sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.
Unang itinakda ang pagpapalabas ng recorded address to the nation ng Pangulo kagabi subali’t ipinagpaliban ito sa hindi tinukoy na dahilan