Nasa pagpapasiya na ni Pangulong Rodrigo Duterte kung isasapubliko ang pangalan ng mga mambabatas na sinasabing sangkot sa anomalya sa ilang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, matapos na maisumite a aniya ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang kanilang report kay Pangulong Duterte.
Magugunitang isiniwalat ni PACC Commission Greco Belgica noong nakaraang linggo na ilang mga mambabatas umano ang nakaiimpluwensiya sa proyekto ng DPWH.
Naglalaman din ang nabanggit na report ni Belgica ng detalye ng iregularidad at pangalan ng mga mambabatas na sangkot dito.