Pinakakasuhan ng Committee On Public Accounts At Good Governance and public accountability ng Kamara sina Health Secretary Francisco Duque III at dating Philhealth President Ricardo Morales at iba pang mga opisyal ng ahensya dahil sa isyu ng korapsyon.
Batay sa 64 na pahinang committee report, kinakitaan ng basehan ng mga nasabing komite na kasuhan ang mga opisyal ng PhilHealth dahil sa isyu ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM).
Kasunod nito, mga kasong paglabag sa RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Article 220 ng revised penal code ang ipinasasampang kaso kina Duque at Morales.
bukod sa mga ito, pinakakasuhan din sina:
- Labor Secretary Bello III,
- DSWD Secretary Bautista,
- DBM Secretary Avisado,
- Finance Secretary Dominguez III na pawang mga miyembro ng board ng ahensya.
- PhilHealth EVP Arnel De Jesus,
- SVP Dr. Israel Francis Pargas,
- dating SVP for legal na si Atty. Rodolfo Del Rosario,
- at, Senior Manager Rogelio Pocallan Jr.
Samantala, ani House Public Accounts Chair Mike Defensor, ang aprubadong committee report ay ‘subject to amendments’ pa dahil wala pa rito ang mga irerekomendang panukula ng mga kongresista para sa pagsasaayos ng ahensya.