Magpapatuloy ang mahigpit na pagbabantay ng mga awtoridad sa mga itinalagang checkpoints ng Joint Task Force COVID-19 Shield.
Ayon kay Police Lt. General Guillermo Eleazar, commander ng JTF COVID-19 Shield, bagama’t maaari nang bumyahe ang mga unauthorized persons outside residence (UPOR), ay manghihingi pa rin ang mga awtoridad ng travel pass through permits (TPP) sa mga ito.
Dagdag pa ni Eleazar, para makakuha ng TPP, kailangan munang magparehistro sa kanilang online system na Safe, Swift, and Smart Passage (S-Pass).
Paliwanag ng opisyal, kumpara sa nakasanayang travel authority na mangangailangan ang mga awtoridad ng kaukulang papales gaya ng medical certifate, sa TPP kasi, tanging mga impormasyon na lang ng mga biyahero ang hihingin ng mga awtoridad.
Kasunod nito, iginiit ni Eleazar, na kaya nila inilunsad ang naturang online system ay dahil sa maraming mga lgus sa bansa ang nais na ipagpatuloy ang paghihigpit sa mga papasok at lalabas ng kani-kanilang mga lugar dahil sa banta ng COVID-19 pandemic. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)