Nagpahayag ng suporta ang Blas F. Ople Policy Center sa Pinoy domestic helper na nakaranas ng pang-aabuso sa kamay ni Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro.
Ayon kay Susan Ople, head ng naturang non-profit organization, handa silang magpaabot ng tulong legal man o pang-kabuhayan sa 51 anyos na OFW.
Tiniyak ni Ople na nariyan ang kanilang organisasyon para umalalay sa naturang OFW dahil nauunawan umano nila na ang hirap ng sitwasyon kung saan ang iyong kalaban ay isang maimpluwensyang tao.
Iginiit ni Ople na mahihirapang dumipensa si Mauro sa insidente dahil kitang-kita aniya sa CCTV footage ang pananakit na ginawa nito sa kaniyang kasambahay.