Pinatawan ng Office of the Ombudsman ng 6 na buwang suspensyon ang 8 opisyal ng PhilHealth dahil sa umano’y anomalya ng Internal Reimbursement Mechanism (IRM).
Kabilang sa mga pinasususpinde sina PhilHealth COO Arnel De Jesus, Senior Vice Presidents Renato Limsiaco Jr., at Israel Francis Pargas, Vice President for Philhealth Regional Office National Capital Region Gregorio Rulloda, PhilHealth Regional Office NCR Central Branch Manager Lolita Tuliao at mga Executives na sina Imelda Trinidad De Vera-Pe, Gemma Sibucao at Lailani Padua.
Ipinag-utos ni Ombudsman Samuel Martires kay PhilHealth President Dante Gieran ang agad pagpapatupad ng naturang kautusan.
Layunin umano nito na maiwasang maimpluwensiyahan ang ginagawang imbestigasyon sa naturang alegasyon.