Mag-aalok ng drive-thru service para sa pagpapakabit ng RFID stickers ang pamahalaang lungsod ng Maynila.
Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso, gaganapin ang drive-thru RFID installation sa kartilya ng katipunan sa Sabado, ika-31 ng Oktubre at Linggo, ika-1 ng Nobyembre, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.
Bukas ang naturang serbisyo sa mga Class 1 na saksakyan tulad ng kotse, SUV at mga pampasaherong vans.
Sinabi ni Moreno, wala nang kinakailangang dalhing dokumento ang mga magpapakabit ng RFID maliban lang sa P200 na initial load nito.
Binigyang diin ni Moreno, layunin ng aktibidad na mabawasan ang matagal at mahabang pila sa mga tollgate ng NLEX, SCTEX, Cavitex at Cavite-Laguna Expressway (CALAX) ng mga magpapalagay ng RFID stickers.