Magsasagawa ng All Soul’s Day online prayer gathering sina Senadora Risa Hontiveros at ilang opisyal ng simbahan kasunod ng pagsasara ng mga sementeryo, kolumbaryo, at iba’t-ibang himlayan bilang pag-iingat sa posibleng pagkalat ng COVID-19.
Ani Senadora Hontiveros, ang isasagawang online prayer gathering na pinamagatang “Liwanag at lingap ng pag-asa: panalangin para sa mga pumanaw at kagalingan mula sa COVID-19,” ay layong magbigay ng pag-asa sa bawat isa, lalo na sa mga dinapuan ng COVID-19 at mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa virus.
Pagdidiin pa ng senadora, ang pagdarasal ang maituturing na pinakamainam na sandata sa anumang kinakaharap sa buhay.
Samantala, paalala ng senadora sa mga lalahok sa online prayer gathering sa ganap na alas-dos ng hapon sa Noyembre 2, magsindi ng kandila at simulan ang pagdarasal sa tuluyang paggaling ng mga pasyenteng dinapuan ng COVID-19, lalo na sa mga kaluluwa ng mga nasawi dahil sa virus.