Patuloy na lumalakas ang bagyong Rolly habang nagbabanta ito sa gitna at katimugang Luzon kabilang na ang Metro Manila at Bicol Region.
Ayon sa PAGASA, posibleng maging ganap na super typhoon ang bagyong Rolly sa susunod na 12 oras dahil sa nakapagpapalakas ito habang nasa karagatan.
Batay sa 5AM bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyong Rolly sa layong 810 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 215 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 265 kilometro bawat oras
Patuloy na kumikilos ang bagyong Rolly pa-kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras at inaasahan itong tatama sa kalupaan ng Aurora at Quezon sa linggo ng gabi.
Dahil dito, nakataas na ang babala ng bagyo bilang isa sa mga lalawigan ng catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate kabilang na ang Ticao at Burias Island.
Gayundin sa lalawigan ng Quezon kabilang na ang mga isla ng Polillo, Rizal, Laguna, Marinduque, Romblon at Northern Samar maging sa hilagang bahagi ng Samar, hilagang bahagi ng Eastern Samar at hilagang bahagi ng Biliran Island.