Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na makikinabang ang lahat ng mga negosyante sakaling mapaunlad na ang paggamit ng electronic fund transfer at QR codes.
Ito’y ayon sa BSP ay bilang makabagong paraan ng pagbabayad ng publiko sa mga negosyo at transaksyon sa gobyerno para sa mga binibiling produkto at serbisyo.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, pinalalawig nila ang person to merchant payment scheme maliban pa sa person to person QR transaction na ginagamit sa kasalukuyan.
Kasama rin sa kanilang framework ayon kay Diokno ang request to pay service kung saan, maaaring mamili ang kliyente o konsyumer ng kaniyang paraan ng pagbabayad.