Isasailalim sa pre-emptive evacuation ang nasa 15,000 indibidwal o tinatayang 4,000 mga pamilya sa probinsya ng Sorsogon dahil sa banta ni Bagyong Rolly.
Ayon kay Sorsogon Governor at dating Senador Chiz Escudero, ito’y makaraang ipag-utos niya ang pre-emptive mandatory evacuation 12 oras bago maramdaman sa probinsya ang bagyo.
Pinag-utos ko na ang pre-emptive evacuation sa mga binabahang lugar, mababang lugar at mga lugar prone sa landslide. 12 hours bago namin inaasahang masimulan maramdaman ‘yung epekto ng Bagyong Rolly ani. Escudero
Pagtitiyak ni Escudero, kumpleto sa mga evacuation centers ang kanilang probinsya para tumugon sa pangangailangan ng ligtas na lugar na tutulugan ng mga residenteng ililikas gaya ng mga nakatira sa mababang lugar o ‘yung mga malalapit sa ilog, tabing dagat maging sa mga nasa landslide prone area.
Pagdidiin pa ni Escudero, nakahandang umalalay ang provincial government ng sorsogon sa mga LGU’s nito hinggil sa pamamahagi ng relief packs sa mga masasalanta ng bagyo.
Sa katunayan ang bumabalikat niyan kasi karamihan sa mga LGU ngayon, naubos nha ‘yung calamity at QRF funds dahil sa pandemya ng covid. Ang probinsya na lamang ang may pinakamalaking reserba diyan. Kaya’t kami ang aalalay sa mga LGU kaugnay sa relief packs sa mga i-evacuate namin sa mga susunod na oras. ani Escudero sa panayam ng DWIZ