Umaasa ang Department of Health (DOH) na maisasalang na sa mas maluwag na quarantine protocols ang buong bansa sa unang bahagi ng taong 2021.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maganda ang mga ipinakikitang hakbang ng mga lokal na pamahalaan tulad ng contact tracing at treatment.
Aniya, nakagawa na rin ng “milestones” at “safeguard conditions” ang gobyerno at maaari ito ang maging daan upang maikasa ang Modified General Community Quarantine (MGQC) sa iba’t ibang lugar na siyang pinakamaluwag sa apat na quarantine classifications.