Sumuko sa Western Mindanao Command (Westmincom) ang tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na nasa likod ng pagdukot sa ilang Indonesian seafarers.
Ayon kay Westmincom Commander Lieutenant General Corleto Vinluan Jr., kinilala ang mga sumukong ASG members na sina alyas “Dexter”, Albasid Salim ‘alyas’ Abu Sabad at Edwin Panduga Abdulmain ‘alyas’ Splakang.
Base sa ulat ng Westmincom, sinabi umano ni alyas Dexter na hindi nito batid na may dudukutin silang mga indibidwal at napilitan lamang daw syang sumama dahil sa takot para sa kanyang buhay.
Sinabi naman ng acting commanding officer ng 6th special forces batallion nasi Lieutenant Colonel Rafael Caido, nadawit si Dexter sa pag-kidnap ng limang Indonesian seafarers na nangingisda sa Malaysian waters noong Enero.
Kabilang din aniya si Dexter sa mga miyembro ng ASG na nakasagupa ng tropa ng pmahalaan sa Sulare Island, Parang, Sulu noong January 18.
Ilan naman sa mga isinukong armas ng mga dating ASG members ang isang M1 carbine, isang G1 battle rifle, isang M1 grand rifle, at assorted ammunition.