Umakyat pa sa mahigit 4.54 million ang kabuuang bilang ng mga taong apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Habang pumalo naman sa mahigit 1.1 million ang nasawi dahil sa virus.
Samantala, nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa mga bansa na pinakamatinding naapektuhan ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling tala sa Estados Unidos, umaaabot na sa halos 9 milyon ang bilang ng apektado ng COVID-19 habang mahigit 200,000 na ang nasawi.
Pumapangalawa naman ang India na nakapagtala na ng mahigit 8.1 milyon na kaso ng COVID-19 kung saan higit 120,000 na ang namatay.
Pangatlo ang Brazil na mayroong nang mahigit 5.5 million na kaso at halos 160,000 death toll.
Sumunod ang Russia na nakapagtala na ng halos 1.6 na milyong kaso ng COVID-19 at mahigit 20,000 pagkasawi.
Panglima ang France na mayroong higit 1.3 milyong kaso at mahigit 36,000 bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19.