Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isa pang binabantayang Bagyong Siony kaninang pasado alas-8.
Ayon sa PAGASA, bahagya itong lumakas at isa nang tropical depression.
Huling namataan ang sentro ng Bagyong Siony sa layong 1,365 kilometro silangan ng Central Luzon.
Taglay nito ang pinakmalakas ng hanging aabot sa 75 kilometro kada oras at pagbusong umaabot sa 90 kilometro kada oras.
Patuloy itong kumikilos sa direklsyon hilaga kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.
Sa kasalukuyan ay wala pang direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa ang Bagyong Siony.