Binuksan nang muli ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 20 ruta ng higit sa 2,400 na mga units ng UV express nitong Linggo, Nobyembre 1.
Sa ilalim ng memorandum circular #2020-066, kinakailangang ‘road worthy’ o nasa maayos na kondisyon ang ibabyaheng Public Utility Vehicles (PUVs) at may valid certificate of public convenience, at nakarehistro sa personal passenger insurance policy.
Bagamat pinapayagang makabyahe kahit na walang special permit, may ibibigay naman na QR code sa bawat operator na siyang ipapaskil ng mga ito sa kani-kanilang unit.
Narito ang ilan sa mga bubuksang ruta ng UV express:
- Karuhatan North Road Rail Station Terminal (NRRS) sa Trinoma
- Robinson’s Place, Novaliches – Buendia
- San Bartolome – Mrt North Avenue Station
- SM Fairview – Buendia • SM Fairview – T.M. Kalaw via Commonwealth, at iba pa
Kasunod nito, nanatiling ipinapaalala ng mga awtoridad na patuloy na sumunod sa umiiral na safety protocols kontra COVID-19, alinsunod sa ipinag-utos ng pamunuan ng IATF.
Samantala, ipinaalala ng LTFRB sa publiko, na walang ipatutupad na taas-pasahe sa mga nabanggit na balik-operasyong PUVs.