Makararanas ng kalat-kalat na pag-uulan ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon dahil sa bagyong Rolly at ng bagyong Siony.
Batay sa bulletin ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyong Rolly sa layong 100 kilometers ng west-southwest ng Subic bay, may maximum sustained winds ito na aabot sa 65 km/h malapit sa sentro at may gustiness na aabot sa 80 km/h at kumikilos pa-west northwest sa bilis na 20 km/h.
Sa kasalukuyan, nakataas ang signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:
• Northwestern Portion ng Occidental Mindoro kasama ang lubang island,
• Western Portion ng Batangas,
• Extreme Western Portion ng Laguna
• Cavite
• Metro Manila
• Western Portion ng Bulacan
• Western Portion ng Pampanga
• Bataan
• Southern Portion ng Zambales
Samantala, namataan naman ang sentro ng bagyong Siony sa layong 850 kilometers silangang ng Northern Luzon na may maximum sustained winds na 65 km/malapit sa sentro at may gustiness na 80 km/h at kumikolos pa-west northwest sa bilis na 30 km/h