Sumasailalim sa self-quarantine si World Health Organization (WHO) Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus.
Ito ay matapos magkaroon ng contact ang opisyal sa isang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Tedros, maayos naman ang kaniyang kondisyon at walang nararanasang sintomas subalit bilang pagsunod sa WHO protocols ay sumasailalim na siya sa self-quarantine at magwo-work-from-home na lamang.
Tiniyak ni Tedros na tuluy-tuloy ang pakikipag-ugnayan niya at kaniyang mga kasamahan sa WHO para maprotektahan ang mundo laban sa COVID-19.