Umapela si Catanduanes Governor Joseph Cua sa mga telecommunication companies na madaliin ang pagsasaayos sa linya ng komunikasyon sa lalawigan.
Kasunod na rin ito ng matinding pinsalang idinulot ng bagyong rolly sa Catanduanes kung saan ito unang nag-landfall.
Ayon kay Cua, mahalagang maibalik ang komunikasyon sa lalawigan para magkaroon ng contact ang mga taga-Catanduanes sa kanilang mga kaanak na nasa Manila o ibang bansa.
Kaugnay nito, sinabi ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na nangako na ang dalawang malaking telco sa bansa na gagawin ang lahat para agad na maayos ang kanilang serbisyo sa Catanduanes.
Unang beses nagkaroon ng contact sina Presidential Spokesperson Harry Roque at Executive Director Jalad sa maga opisyal ng Catanduanes, matapos nang pagtama ng Bagyong Rolly.