Isang bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong linggo.
Base sa forecast ng PAGASA, maaaring bukas o sa Huwebes ay nasa loob na ng PAR ang bagyo at posibleng tumbukin ang Luzon.
Dahil nasa dagat pa ito, posible itong lumakas at maging typhoon sa mga susunod na araw.
Sakaling pumasok sa PAR, ang bagyo ay papangalanang “Lando”
Weather Today:
Samantala, nakakaapekto sa northern Luzon ang buntot ng cold front.
Maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pulu-pulong pagkidlat pagkulog ang mararanasan sa mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera at Cagayan Valley.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong pagkidlat pagkulog ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.
Ang temperatura ay maglalaro sa pagitan ng 24 degrees celsius hanggang 33 degrees celsius.
Inaasahang lulubog ang araw mamayang alas-5:38 ng hapon.
By Judith Larino