Nagsagawa ng air drop ang Estados Unidos upang mabigyan ng karagdagang armas ang mga rebelde sa bansang Syria.
Ayon sa isang hindi nagpakilalang US miltary official, ito’y bilang bahagi ng istratehiya ng Amerika na tulungan ang mga Syrian rebels kontra sa Islamic State.
Ginawa ito ng Estados Unidos dalawang linggo makaraang kumilos ang bansang Russia bilang pakikipag-alyansa kay Syrian President Bashar Al Assad.
Magugunitang tanging ang Kurdish Militia lamang ang grupong kaalyado ng Amerika na matagumpay na nakikipaglaban sa ISIS na siyang nakabawi sa isang autonomous zone sa hilagang bahagi ng Syria.
By Jaymark Dagala