Itinaas sa signal No.1 ang ilang lugar sa Hilang Luzon dulot ng Bagyong Siony ngayong umaga ng Miyerkules.
Ang mga lugar na sakop ng signal no.1 ay ang mga sumusunod:
– Northeastern portion of mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga)
– Eastern portion of Babuyan islands (Balintang island, Babuyan island, Didicas island, and Camiguin island kabilang ang maliliit na pulo)
Samantala mararamdaman naman ang hanging amihan sa bahagi ng Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Silangang bahagi ng Cagayan at Isabela na maaaring magdala ng mahihina at malalakas na pag-ulan.
Nagpaalala naman ang PAG-ASA na patuloy na maging maingat sa mga posibleng pagbaha at landslide na maaaring maganap sa sunod-sunod na pagbuhos ng ulan. —sa panulat ni Agustina Nolasco