Hinamon ng Minority Bloc sa Kamara ang mga kapwa nila mambabatas sa pangunguna ni House Speaker Lord Allan Velasco na isapubliko rin ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SAL-N
Ayon kay ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, dapat may transparency at accountability ang mga nasa Public Service tulad nila kaya’t ang paglalantad ng kanilang SALN ay mainam na hakbang upang patunayang wala silang itinatago
Giit ni Castro, alinsunod aniya sa itinatakda ng Republic Act 6713 o An Act Establishing a Code of Conduct and Ethical Standards for public officials and employees ang hakbang ng pagsasapubliko ng kanilang SAL-N
“In the spirit of transparency, accountability and as stated in the RA 6713, all government employees and officials including my colleagues must show to the public their SALN,” pahayag ni Castro.
Matatandaan, 5 Makabayan bloc members ng Kamara ang naglabas na ng kanilang SALN sa harap na rin ng naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang buong gobyerno sa katiwalian
Isa pa sa nais masilip sa mga SALN ang pagkakaroon ng conflict of interest ng government officials sa hindi pagdedeklara ng mga ari-arian at shares of stocks sa mga negosyo
Naging matunog sa isyu na ito si House Speaker Velasco na naiulat na may shares sa San Miguel Corp., base sa report mismo ng kompanya noong 2017 at pasok sa top 100 stockholders si Velasco at 2% shares sa Petron Corp., base sa annual report noong 2016 at isa nang Kongresista si Velasco