Mas pabor sa Pilipinas kung si U.S. President Donald Trump pa rin ang mananatiling pangulo ng Amerika.
Ayon ito kay political analyst Professor Clarita Carlos, dahil sa mga efforts ni Trump partikular sa claim ng bansa sa West Philippine Sea at iba pang usapin na may pakinabang ang bansa.
Sinabi pa sa DWIZ ni Carlos na maaaring maging bahagi rin ang Pilipinas nang binuhay ni Trump ng quadrilateral alliance nito ng Australia, Japan at India.
Ito talaga ang, as I said, talagang nag-coincide ang interes nila atsaka interes natin, which is good for us. Si Trump din ang bumuhay sa quadrilateral alliance nila ng Australia, Japan, India and the US. And most probably, we are going to join that grouping when it expands… A Trump presidency will be good for us,” ani Carlos. —sa panayam ng Santos at Lima sa 882