Suportado ng Pangulong Rodrigo Duterte ang gender equality bagamat ipinauubaya niya sa kongreso ang kapalaran ng Sexual Orientation and Gender Identity or expression equality bill (SOGIE).
Kabilang sa mga probisyon ng SOGIE bill ang pagbabawal sa pag-discriminate o pagtatangi-tangi laban sa Lesbians, Gays, Bisexual, Transgender and Queer (LGBTQ) people sa workplace at educational institutions.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na malinaw ang paninindigan ng Pangulong Duterte na lahat ng mga Pilipino ay dapat na pantay-pantay anuman ang kanilang kasarian subalit bahala na ang kongreso sa magiging pasya sa SOGIE Bill.
Ang pahayag ng Palasyo ay bilang reaksyon sa naging posisyon ng kinatawan ng Coalition of Concerned Families of the Philippines sa pagdinig ng kamara na layon ng SOGIE bill na mai-transform ang LGBTQ community bilang super special elite class.