Labis na nagpasalamat ang Makabayan Bloc sa Kamara kay House Speaker Lord Allan Velasco
Ito’y kasunod ng ginawang pagdepensa ni Velasco sa Red Tagging ni AFP Southern Luzon Command Chief at National Task Force ELCAC Spokesman Lt/Gen. Antonio Parlade Jr sa progresibong mga mambabatas
Ayon kay ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, hindi nila inaasahan ang gagawing pagdepensa sa kanila ng House Speaker lalo’t ngayon lang sila nakaranas ng ganitong uri ng pagtatanggol mula sa liderato ng Kamara
“Lubos namin pinasasalamatan si Speaker Velasco. Yung ginagawa nyang pagtatanggol sa kanyang kasamahan lalo na sya ay Speaker, ngayon lang ako nakarinig ng Speaker na ganto”pahayag ni Castro.
Una rito, sinabi ni Parlade na “under surveillance” ngayon ang Makabayan Bloc gayundin si dating BayanMuna Rep. Neri Colmenares na binansagang mga Komunista ng isang nagbalik-loob na dating rebelde
Ayon naman kay Velasco, naaapektuhan siya sa ginagawang red-tagging ni Parlade sa mga miyembro ng Kamara
“As Speaker of the House, I am duty bound to protect them from potential harm due to these careless accusations”pahayag ni Velasco kung saan sinabihan nito si Parlade na maging maingat sa kanyang pananalita laban sa mga House members.
“We may not not agree with them on certain issues but be mindful that these lawmakers are duly elected representatives of the people, and implicating them on issues that have yet to be substantiated Is uncalled for”dagdag pa ni Velasco.
Giit ni Castro, mali ang ginagawang hakbang ng Duterte Administration na ibilang na Komunista ang mga kritiko nito subalit dahil sa ginawa ni Velasco ay naramdaman nilang protektado sila ng institusyong kanilang kinabibilangan
“Kahit paano we feel protected and assured kami sa pahayag ni Speaker, pero syempre ingat pa rin kami sa aming kaligtasan aware na kami sa aming security”pagtatapos pa ni Castro