Hinikayat ng Department Of Health (DOH) ang publiko na magsagawa na lamang ng online activities sa pagdiriwang ng darating na kapaskuhan upang maiwasan ang paglaganap ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay DOH Health Promotion Bureau Rodley Desmond Carza sa ginanap ng online press conference ng ahensya mas makabubuti kung online mass na lamang din ang simbang gabi o misa de gallo dahil mas maliit ang posibilidad ng hawaan ng COVID-19.
Suhestyon pa ni Carza kumain na lamang ng sama-sama ang mga miyembro ng pamilya at magkakaibigan na nakatira sa isang bahay sa selebrasyon ng Noche Buena at Media Noche at via-online na lang ang mga nasa malayong lugar na kamag-anak upang maiwasan ang pagkakatipon-tipon—sa panulat ni Agustina Nolasco