Mahigit 20 contractors na ang blacklisted sa Department of Public Works and Highways (DPWH) bilang bahagi ng kampanya ng pamahalaan laban sa korapsiyon.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar mula July 2016, suspendido ang 25 contractors na karamihan ay dalawang dekada na sa ilalim ng tatlong administrasyon.
Kabilang sa mga blacklisted ay ang St. Gerrard Construction General Contractor & Development Corporation na mayroong mahigit P1-B halaga ng kontrata sa iba’t-ibang proyekto bunsod ng umano’y naantalang building project sa Indang, Cavite.
Sinasabing noon pang ika-31 ng Enero nagpalabas ng blacklisting order si Villar laban sa naturang kompanya.