Dahil sa maagap na weather advisories ay naisalba ng mga magsasaka ang P26.5-B halaga ng mga pananim sa pananalasa ng bagyong Quinta at super typhoon Rolly.
Paliwanag ni Agriculture Secretary William Dar, isa o dalawang linggo bago nanalanta ang dalawang bagyo ay na-harvest na ng mga magsasaka ang kanilang palay at mais.
Kumpiyansa naman si Dar na hindi maaapektuhan ng mga papasok pang bagyo sa bansa ang mga sakahan sa mga nalalabing linggo ng taon.
Samantala, sinabi ni DA Field Operations Director Roy Abaya na ang bahagyang production loss ay hindi makakaapekto sa suplay ng palay sa bansa kahit karamihan sa mga rehiyon na tinamaan ng bagyo ay pawang mga major rice suppliers.