Mamamahagi ng maagang pamasko ang ilang local government units sa Metro Manila para sa mga residente habang may coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, nasa 240,000 Christmas bags ang inilaan ng Makati LGU ngayong Pasko.
Aniya, naglalaman ito ng noche buena items at iba pang pangangailangan kung saan may kasama pa itong face shield bilang karagdagang proteksyon sa COVID-19.
Samantala, sa lungsod naman ng Maynila, maglalaan din ito ng pamasko para sa 650,000 na residente kung saan ang mga ipapamahaging bigas at iba pa ay bibilhin sa Mindanao.