Nagpaabot na rin ng mainit na pagbati si Vice President Leni Robredo kay US President Elect Joe Biden.
Sa kanyang tweet, sinabi ni Robredo na ang pagkakapanalo ni Biden ay patunay ng nagkakaisihang idelohiya sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Kabilang aniya rito ang demokrasya, karapatang sibil, pananampalataya at inclusivity.
Dagdag ni Robredo, kanya ring ipinapanalangin ang tagumpay ng pamumuno ni Biden sa Estados Unidos.
My warmest congratulations to President-elect @JoeBiden and VP-elect @KamalaHarris! Your victory is an affirmation of the shared ideals on which the long friendship between our two nations stand: democracy, civil rights, faith, and inclusivity. I pray for your success!
— Leni Robredo (@lenirobredo) November 8, 2020