Makatatanggap ng hanggang p10,000 tulong pinansiyal mula sa pamahalaan ang bawat pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa pananalasa ng Bagyong Rolly.
Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Eduardo Del Rosario, pangungunahan ng National Housing Authority at DSWD ang pamamahagi ng naturang ayuda.
Target aniya nito ang mga apektadong residente mula sa mga rehiyon ng Bicol, CALABARZON at MIMAROPA.
Ani Del Rosario, P5,000 ang ibibigay sa bawat pamilyang bahagyang nasira ang tahanan habang P10,000 naman sa totally damaged na kabahayan.
Sinabi ni Del Rosario, kukunin ang pondo mula sa nakalaang budget ng nha at DSWD para sa immediate financial assistance.
Inaasahang maipamamahagi ang ayuda sa darating na Miyerkules.