Target ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na magkaroon ng libreng wifi sa bawat barangay para makatulong sa mga estudyante na nag-o-online learning ngayon.
Ayon kay DICT Asec. Emmanuel Caintac, pina-plano na ng ahensya ang paglalagay ng wifi sa mga barangay, ngunit kailangan pa aniya nilang makipag ugnayan sa mga opisyal ng Barangay upang matiyak na hindi makokompromiso ang minimum health standard sakaling maikabit na ito at maaari nang magamit ng mga estudyante.
Mahalaga aniyang matiyak ng mga barangay na magkakaroon sila ng kaayusan sa kanilang community centers kung saan nila lalagyan ng libreng wifi.
Nitong Oktubre, aabot sa 21-M mag-aaral ang kailangan ng internet connection sa pag-aaral dahil sa ipinatupad na blended learning.