Maituturing umanong isang aral ang pagkabigo sa pagtugon sa COVID-19 pandemic at tila isang paglubog na rin sa pulitika.
Ito ayon kay Albay 1st District Rep. Edcel Lagman matapos matalo sa halalan si outgoing US President Donald Trump.
Ani lagman, ang kasalukuyang pandemyang nararanasan ngayon sa buong mundo ay maaaring makaapekto sa karera ng sinomang pulitikong may ambisyong tumakbo sa mga darating na eleksyon.
Sa mga ganito kasi umanong sitwasyon masusubukan ang kayang ibigay na serbisyo at kaalaman ng mga namumuno.
Kasabay nito, binalaan din ng mambabatas ang mga pulitikong nananamantala naman ngayong panahon na ito.
Aniya hindi man ngayon mabubulgar ang mga katiwaliang ginagawa ng ibang opisyal ngunit darating din umano ang panahon na mahuhubaran ang tunay nilang pagkatao.