Lumobo na sa mahigit 50-milyon ang bilang ng mga naitatalang tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Batay sa datos ng Reuters, nasa mahigit 50.05-milyon na ang COVID-19 cases sa mahigit 210 bansa mula nang maitala ang kauna-unahang kaso ng virus noong Disyembre ng taong 2019.
Mula sa naturang bilang, 1,252,077 sa mga ito ang nasawi.
Nangunguna pa rin ang US sa may pinakamaraming COVID-19 cases na may 9,911,310 kaso at 237,289 na mga nasawi.
Sinundan naman ito ng mga sumusunod na bansa:
- India: 8,507,754 cases at 126,121 deaths
- Brazil: 5,653,561 cases at 162,269 deaths
- Russia: 1,774,334 cases at 30,537 deaths
- France: 1,748,705 cases at 40,169 deaths.
Samantala, sa pinakahuling tala ng Department of Health sa Pilipinas nitong Linggo, nakapagtala na ang bansa ng 396,395 kabuuang kaso ng COVID-19 at 7,539 sa mga ito ang nasawi.