Pormal nang kinasuhan ang sugo ng bansa sa Brazil na nakunan ng video na nananakit sa kaniyang Pilipinang kasambahay.
Ipinabatid ito ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. kasunod na rin nang pagbalik sa bansa ni Marichu Mauro na isang career diplomat.
Sinabi ni locsin na nagpadala na siya ng memo sa Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa isinampang kaso laban kay Mauro.
Maaari aniyang aprubahan o ibasura ng Board of Foreign Service Administration ang report ng hearing panel sa kaso ni Mauro at siya ang pinal na magpapasya sa resulta ng imbestigasyon ng panel.
Hindi na tinukoy ni Locsin ang rekomendasyon ng panelo at ang partikular na asuntong isinampa laban kay Mauro.