Nagpaalala si Congressman Mike Defensor, chair ng public accounts ng Kamara na dapat ibigay ngayong buwan ang Christmas bonus at cash gift sa mga manggagawa ng pamahalaan.
Ito’y batay aniya sa section 8 ng Republic Act number 11466 o ang Salary Standardization Law 5.
Kung kaya’t ani Defensor, inaasahan niyang simula ngayong linggong ay matatanggap na ng higit sa 1-milyong mga government workers ang kanilang year-end bonus na katumbas ng isang buwang sahod at ang karagdagang cash gift ng mga ito na P5,000.
Mababatid ani Defensor, ang mandatong ito ng batas ay nakasaad din sa national budget circular number 579 na naunang ipinalabas ni Budget Secretary Wendel Avisado noong January.
kasunod nito, nanawagan si Defensor sa pribadong sektor na mas maaga ring ibigay ang 13th month pay ng kani-kanilang mga empleyado para kahit papaano’y makatulong sa pangangailangan ng mga empleyado nito dahil sa epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.