Umapela ang punong ehekutibo sa mga magulang na pabakunahan ang kani-kanilang mga anak laban sa tigdas at iba pang sakit.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, suportado niya ang hakbang Department of Health (DOH) at World Health Organization (WHO) hinggil sa pagsasagawa nito ng immunization.
Paliwanag ng pangulo, dapat maging aral sa bawat-isa ang nararanasang pandemya dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), kung kaya’t dapat nating siguruhin ang malusog na pangangatawan ng mga kabataan at ng buong bansa sa paparating pang mga taon.
Sa huli, bukod sa mga magulang, nanawagan din si Pangulong Duterte sa mga local government leaders na suportahan ang immunization program.