Available na sa katapusan ng 2021 o hanggang unang bahagi ng 2022 ang bulto ng mga bakuna kontra COVID-19.
Ayon ito kay National Task Force against COVID-19 Chief implementer Carlito Galvez, Jr. na nagsabing aabutin ng halos 6 na buwan ang pagpaplano at paghahanda para sa ikakasang pagbabakuna.
Malaking hamon din aniya ang supply ng bakuna dahil ang mga mayayamang bansa ang nakatitiyak na ng access sa karamihan sa mga bakuna.
Sinabi ni Galvez na sa kaso ng Pilipinas May o June 2021 ay mayroon nang bakuna sa pamamagitan ng Covax at bilateral agreement ng bansa.
Subalit inihayag ni Galvez na sa realidad huling bahagi pa ng 2021 o 2022 darating ang malaking bulto ng bakuna.
Tanging ang Chinese vaccine na Sinovac pa lamang ang naki-clear ng vaccine experts panel ng bansa sa ilalim ng DOST.