‘Mind conditioning’
Ito’y ayon sa kampo ni Vice President Leni Robredo sa ginagawa ni dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos matapos hilingin na mag-inhibit si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen sa kaniyang electoral protest laban sa Bise Presidente.
Ganito rin anila ang ginawa ni Marcos noon kay Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa ilang taon na ang nakakalipas.
Sinabi nina Atty. Beng Sardillo at Emil Maranion mga abogado ni Robredo na hindi na sila nagulat sa naging hakbang ni Marcos na kapag hindi nakuha ang gusto ay a-atakihin ang integridad ng isang institusyon o tao para mapuwersa ang mga ito na bumigay sa kanyang kagustuhan.
Inihayag ng mga abogado ni Robredo na nais nilang ipaalala kay Marcos na 2020 na at hindi na u-ubra ang pananakot na istilo ng yumaong amang diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Iginiit ng legal team ni Robredo kay Marcos na harapin nito ang realidad na ang bise presidente ang nagwagi ng 2 beses.