Nagkasundo ang NBA at players union sa mga ikakasang parameters hanggang sa idaraos na 2020-2021 NBA season.
Nakasaad sa nasabing kasunduan na inaprubahan na ng board of governors ng liga ang hinggil sa bilang ng mga laro, petsa nang pagbubukas ng bagong season, salary cap figures at free agency key dates.
Ang bagong season ay sisimulan sa Disyembre 22 at itinakda lamang ang 72 regular season games taliwas sa mga nakaugaliang pagbubukas ng NBA season na karaniwang sa panahon ng halloween at 82 regular season games.
Ang pagbubukas ng bagong NBA season ay magbibigay daan sa liga na magkaroon ng taunang Christmas day showcase ng mga laro.
Ang salary cap ay nananatili pa rin sa $109.1-M para sa bagong season at luxury tax threshold na $132. 7-M.
Ang free agents ay papayagan namang magsimula ng negosasyon sa mga team sa Nobyembre 20 at lumagda ng mga kontrata simula Nobyembre 22 samantalang ang NBA draft ay itinakda sa Nobyembre 18.