Pinapurihan ni Senador Sherwin Gatchalian ang pag-apruba ng senado sa ika-3 pagbasa sa panukalang magtataas sa allowance ng mga guro para sa teaching supplies.
Layon ng Senate Bill 1092 o panukalang teaching supplies allowance act of 2020 ang taunang pagtataas ng teaching supplies allowance o mas kilala bilang chalk allowance sa 5k mula sa 3k sa mga taong 2021-2022 at 2022-2023 , P7, 500 sa 2023-2024 at 10K sa 2024-2025.
Sinabi ni Gatchalian na bagamat isinulong niya ang P5K teaching supplies allowance bago ang pandemya welcome naman aniya sa kanya ang pagtataas nito kada taon para na rin makaagapay ang mga guro sa hamon ng distance learning.
Kapag naging batas na ang alokasyon ng teaching supplies allowance ay isasama na sa gaa o general appropriations act.