Nagbunyi ang NLEX at ipinakita ang pagmamahal ng team kay Asi Taulava matapos itong umiskor ng 11 points at maipanalo ang laban kontra sa Terrafima sa kanilang final game sa PBA bubble.
Nakapagtala si Taulava ng apat na rebounds at gumawa ng isang triple points para sa kanyang final field goal sa naturang laro dahilan kaya’t nakaungos ang Road Warriors laban sa dyip sa halos dalawang minuto na lamang na nalalabi sa bakbakan.
Para ipagdiwang ang performance ng 47 taong gulang at pinakamatandang active player sa liga si Taulava ay sabay-sabay na sinabuyan ng kaniyang team mates ng energy drinks.
Pinangunahan ni Kiefer Ravena ang malaking puntos ng NLEX matapos amgtala ng 23 points at 5 rebounds samantalang 16 points naman ang iniambag ni Raul Soyud.
Naitala sa 127-101 ang final score sa naturang bakbakan ng road warriors at dyip.