Lampas na sa 400,000 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH) naitala ang 1, 672 na bagong kaso ng COVID-19 kaya’t pumapalo na sa 401, 416 ang kabuuang kaso ng nasabing virus.
Ipinabatid ng DOH na Cavite ang nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 na 100, sumunod ang Davao City – 99, Quezon City – 81, Batangas – 78 at Baguio City – 70.
Umakyat naman sa 362, 217 ang total recoveries nang maitala ang 311 patients ang mga bagong gumaling sa COVID-19 samantalang sumirit na sa 7, 710 ang death toll matapos masawi ang 49 na pasyente.
Ang nalalabing 31, 489 ay active cases na sumasailalim sa gamutan o quarantine kung saan 83. 3% ang mild, 9.4% an asymptomatic, 2.5% ang severe at 4.6% ang critical condition.