Pinaplano nang lumagay sa tahimik ng aktor na si Enchong Dee.
Ayon sa 27-anyos na si Enchong, posibleng sa loob ng 6 na taon ay kanya nang pakasalan ang girlfriend nitong model na si Samantha Lewis.
Sinabi ni Enchong na simula pa noong 25 yrs old siya ay kanya na aniyang naiisip ang kanyang future at buhay may pamilya.
Naniniwala si Enchong na mas magandang mag-asawa ng bata habang puno pa aniya sila ng energy.
Kung papalarin nais din ni Enchong na lalake ang magiging mga anak nito.
By Ralph Obina