Nasawi ang 8 miyembro ng peacekeeping forces matapos na bumagsak ang sinasakyang helicopter ng mga ito sa Southern Sinai Peninsula sa Egypt.
Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na kabilang sa mga nasawi ang anim na Amerikano, isang French national at isang Czech national.
Ang peacekeeping forces o kilala bilang mga Multinational Force and Observers (MFO) ay siyang nagsisiguro sa peace agreement ng Egypt at Israel alinsunod sa camp David accords of 1978.
Binubuo ito ng higit 1,000 mga sundalo mula sa 13 mga bansa.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa Egypt hinggil sa tunay na sanhi ng pagbagsak ng helicopter.