Unti-unti nang kinukumpuni ng Meralco ang mga nasirang linya ng kuryente matapos bumayo ang bagyong ulysses partikular sa Metro Manila magdamag kahapon.
Ayon kay meralco spokesman Joe Zaldarriaga halos 4-M customers nila ang nawalan ng supply ng kuryente sa gitna nang pananalasa ng bagyong Ulysses at mahigit kalahati ito na nito o nasa 2.5 -M ang naibalik na nila ang power supply matapos kumalma ng bagyong Ulysses.
Tiniyak ni Zaldarriaga ang unti-unting pag aayos ng mga linya ng kuryente habang gumaganda ang panahon bagamat medyo matatagalan aniya ang pagbabalik ng power supply sa mga binahang lugar.